Guest User
January 24, 2026
STORY TIME | For everyone’s awareness
Madalas talaga kami mag-staycation sa iba’t ibang hotel around Metro Manila. This time, we decided to try KINGSFORD Hotel since may lakad kami that day.
📍 Stay date: January 23, 2026
Jusko, 1:00 AM na—may nagwawalang Koreano (or Chinese, hindi ko sure) sa hallway ng 10th floor. The thing is, maninipis ang walls ng hotel kaya rinig na rinig sa buong floor. Kawawa yung ibang guests, halos lahat na yata tumatawag na sa front desk pero hindi nila maawat yung guest Nakailang tawag kami kaso parang di nila kaya guest nila. Hindi man lang inisip yung mapepersyong guest. hindi agad gawan ng action ang hihina Imagine nag checkout kaming puyat ‼️‼️‼️.
Halos one hour yung sigawan. 😭
Sobrang neglectful ng hotel sa pag-handle ng situation. Pinatagal pa nang ganun, eh may flight pa kami kinabukasan at kailangan gumising ng 5:00 AM. Early checkout na nga, hindi pa namin na-enjoy yung stay dahil puyat na puyat kami.
Pagpasok pa lang sa room, parang hindi nalinis.
Yung CR, grabe—maasim yung amoy ng towels at shower curtain. Alam mo yung sinampay na hindi natuyo ng maayos tapos bumaho? Ganun na ganun. Hindi man lang pinalitan.
Hindi ko talaga pinagamit sa anak at asawa ko yung towels kasi ang dumi, at sobrang sensitive ng balat nila—baka gamit na gamit na yun.
❌ Madumi ang bedsheet
❌ Makati ang sofa, lalo na yung nasa lobby
❌ yung sofa sa lobby ang dumi din, alam nyo yung nalawayan tapos natuyo na? Ganun itsura ‼️‼️
Check nyo allergy ng anak ko dahil sa bed nyo. ‼️‼️ kaya 6am palang umalis na kami di ko kaya yung amoy ng kwarto. Amoy Tuyong pawis na maasim. ‼️‼️
Hindi ako maarte, pero kahit sino naman mababadtrip kung gusto mo lang mag-relax before your next travel tapos ganito ang experience mo.
Tapos yung mga foreign guest na nagwawala, hindi man lang na-handle professionally. Pati ibang guests lumabas na at nagbanta nang tatawag ng pulis kung hindi pa titigil.
Sa totoo lang, ito na yung WORST hotel na napag-stay-an namin sa buong buhay ko. Knowing na katabi ng Okada, sobrang taas ng expectations ko—pero grabe yung disappointment.
Yung front desk na tinawagan namin parang kakagising lang sa emergency call, aantok-antok pa. 🤣🤣
Nakakabadtrip talaga. Hindi worth it.
Parang mas okay pa mag-stay sa SOGO.
eto yung tipo ng hotel na once mo lang ittry pero pagsisisihan mo. Staff are not accommodating as well i a iba sa makati Hotels sobrang feel mong welcome ka.
So ayun lang.